‘Stark Law’ maaring i-adapt sa bansa para sa mga papasok sa multi-level marketing scheme

Ipinunto ni Senador Raffy Tulfo na hanggang sa ngayon ay wala pa ring naipapasang batas na naglalayong panagutin ang mga doktor na sangkot sa anumang unethical practices.

Kaugnay nito, sinabi ng senador na malaki ang tyansa na i-adapt o gumawa ng katumbas o kalapit na batas ang bansa tulad ng Stark Law sa United States.

Ito ay alinsunod sa kamakailangang napabalitang multi-level marketing scheme na sabwatan ng mga pharmaceutical companies at doktor sa pagreseta ng gamot.

Ang Stark Law ay isang batas sa US na nagbabawal sa mga doktor na i-refer ang kanilang mga pasyente sa mga health services kung nasaan ang kanilang mga immediate family members.

Ayon sa senador, sa pamamagitan nito ay mapoprotektahan ang kapakanan at bulsa ng mga mamamayang Pilipino.

Maalala, sa nasabing pagdinig, naglabas ng mga resibo si Tulfo tungkol sa mga natatanggap ng mga sangkot na doktor habang ipinresenta naman ni Senador JV Ejercito ang model na ginagamit ng mga ito para sa corrupt practices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *