Naitalang 10,000 household beneficiaries ng 4Ps na kusang nag-exit sa programa, napalitan na

Napalitan na ng bagong benepisaryo ng 4Ps ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ang 10,000 household na kusang nag-exit sa kanilang programa.

Ito ang kinumpirma ni Pantawid Program Information Officer Jeanet Lozano ng DSWD RFO2 sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, hindi nagbabago ang slot ng kanilang benepisaryo ngunit napapalitan naman ang mga ito dahil marami na umano ang umalis bilang benepisaryo at nagsasagawa agad ng assessment ang staff ng DSWD upang matukoy ang panibagong household beneficiary.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ito umano ay dahil nakapagtapos na sa pag-aaral ang kanilang mga anak na benepisaryo ng educational grant at mga umangat na ang antas ng kanilang pamumuhay.

Dagdag pa ni IO Lozano, ilan sa natatanggap ng mga 4Ps beneficiaries ay rice subsidy na nagkakahalaga ng 600 pesos at educational grant kung saan limitado sa tatlong bata na edad 0-18 years bawat pamilya ang makakatanggap nito.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Kaugnay dito, mula daycare hanggang grade 6 ay makakatanggap ang isang estudyante ng 300 pesos bilang allowance kada buwan, 500 pesos naman sa Junior High school habang 750 pesos kada buwan naman sa Senior High School.

Tiniyak naman ni Lozano na nagsasagawa ng monitoring every 2 months ang kanilang tanggapan para sa educational rate ng mga benepisaryo.

Iisa sa kanilang sinusuri ay compliant ng estudyante sa pagpapasa ng module sa kanilang mga guro upang makatanggap ito ng educational grant.