Babae mula sa Aurora, Isabela; arestado sa buy bust operation

Arestado ang isang babae sa ikinasang drug buy-bust operation na isinagawa ng Cauayan City Police Station at PDEA Region 2 sa Brgy. San Franciso Cauayan City noong hapon ng October 7, 2021.

Ang nahuling suspek ay itinago sa alyas “Spike”, 28-anyos, isang helper at tubong Aurora, Isabela.

Nakumpiska mula sa kaniyang pag-iingat ang 2 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kung saan isa rito ay ibebenta sana ng suspek, 1,000 peso bill, isang unit ng smartphone at perang 50 pesos.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tinatayang 0.15 na gramo ang timbang ng mga nakumpiskang shabu sa suspek kung saan mayroon itong DBB Value na 1,020 pesos.

Samantala sa panayam ng 92.9 Brigada News FM kay alyas “Spike” ay mariin nitong itinanggi na hind sa kaniya ang nakumpiskang mga kontrabando at nanindigan na hindi rin ito gumagamit ng illegal na droga..

Aniya, niyaya lamang umano siya ng kaniyang kaibigan para bisitahin ang puntod ng namayapa nilang kaibigan sa new cemetery sa naturang barangay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Habang nagsisindi umano sila ng kandila ay nagulat na lamang nang may dumating na lalaki at sinasabing sa kaniya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nagulat na lamang umano siya nang may makumpiskang 1,000 pesos sa kanya dahil 50 pesos lamang umano ang pera nito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP Cauayan ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.