Nagpatugtog sa hating-gabi, tinutukan ng baril

Dahil umano sa sobrang ingay na tugtog sa disoras ng gabi tinutukan ng baril ng kanyang kapitbahay ang isang lalaki sa Brgy. Lapu-Lapu, Agdao, Davao City.

Hinuli ng Sta. Ana Police Station ang suspek na si alyas Ariel at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Read More:  3 dead, 2 missing in illegal treasure hunt in Palawan

Napagalaman na naingayan umano si Ariel sa kapitbahay nito na kahit alas 12:00 na ang hating-gabi ay nagpapatugtog parin kaya tinutukan ito ng baril.

Read More:  Suspect in killing of online seller in Davao del Norte, arrested

Ayon kay Police Capt. Hazel Tuazon, tagapagsalita ng Davao City Police Office maaring masampahan din ng kaso ang reklamante dahil mayroon polisiya sa Davao City na bawal na ang magpatugtug ng malakas lagpas ng 10:00 ng gabi.