Mga empleyado ng Sofitel Hotel sa Pasay City, hindi aalisin

Pumayag na ang Philippine Plaza Holdings Incorporated na walang aalising empleyado sa nagsarang Sofitel hanggang sa magbalik ang operasyon nito.

Ito ang resulta ng mediation proceedings na pinangunahan ng National Conciliation and Mediation Board ng Department of Labor and Employment.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa nangyaring pagpupulong, hiniling ng mga empleyado ng nagsarang Sofitel na sila pa rin ang kunin sakaling magbalik operasyon ang nito.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Hindi naman tinanggap ng mga empleyado ang alok na separation pay ng kumpanya bagkus ay sinabing maghihintay sila hanggang sa magbukas muli ang hotel.

Matatandaang itinigil ng Sofitel ang kanilang operasyon nitong July 1.