Myanmar’s Suu Kyi, hinatulan ng 3-year imprisonment dahil sa poll fraud

Hinatulan ng Myanmar junta court si ousted leader Aung San Suu Kyi ng tatlong taong pagkakakulong, dahil sa electoral fraud noong 2020 polls, kung saan nanalo ang kanyang partido sa pamamagitan ng landslide.

Batay sa source na may alam sa kaso, tatlong taon na pagkakakulong na mayroong ‘hard labor’ ang hatol kay Suu Kyi.

Nasa magandang kalusugan naman umano ang 77-anyos na Nobel laureate.

Simula nang makulong nakaraang taon, si Suu Kyi ay una na ring nahatulan ng korapsyon at iba pang mga kaso, kung saan magsisilbi ito ng 17 taon sa kulungan.

Una nang nag-aakusa ang militar ng umano’y malawakang voter fraud noong November 2020 election, na nagpanalo umano sa National League for Democracy (NLD) ni Suu Kyi, bagama’t sinasabi ng mga international observers na malaya at naging patas ang halalan.

Mula noon, kinansela ng militar ang resulta ng botohan, at ibinunyag na mayroong mahigit 11 million instances ng voter fraud.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *