Muslim Community sa Daet Camarines Norte handa na rin sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayong araw

CAMARINES NORTE – Handa na rin ang Muslim Community dito sa Daet Camarines Norte para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos Ramadan ngayong araw.

Inaasahang magsisimula ang sama- samang pagdarasal ng mga kapatid na muslim dakong alas 6: 30 o alas 7 ng umaga na gaganapin naman sa covered court ng Barangay Borabod.

Read More:  21-year-old graduate drowns in Cebu waterfall flood

Inoobserba ang Eid’l Fitr sa unang tatlong araw ng Shawwal o ang ika-10 buwan sa Islamic calendar kung saan nakabatay ito sa mismong pagpapalit ng buwan kaya nagbabago-bago ang petsa ng pagdiriwang taon-taon.

Read More:  PDEA nabs alleged big-time pusher in Davao, seizes P420K worth of shabu

Itinuturing na sagrado ang buwan ng Ramadan na ginugunita ng mga muslim sa pamamagitan ng fasting at pananalangin.

Sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ay nagkakataipon, ang mga magkakamag-anak  at magkakaibigan para sa masayang piging at handaan.