Basud MPS pinangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Pinaglabanan Shrine

CAMARINES NORTE – Pinangunahan ng Basud Municipal Police Station kasama ang Bureau of Fire Protection at Veterans Federation of the Philippines ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Pinaglabanan Shrine na matatagpuan sa Barangay Laniton sa bayan ng Basud,Camarines Norte.

Kaalinsabay na rin ito ng pagdiriwang ng Philippine Veterans Week na may temang “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Pilipino,” bilang pagpupugay sa mga Pilipino at amerikanong sundalo na nagbuwis ng buhay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Disyembre 18, 1941, labingisang araw matapos ang nangyaring pambobomba sa Pearl Harbor sa Hawaii noong ika- 7 ng Disyembre ng taong ding iyon, o sampung araw matapos ang pag- atake sa Clark Airbase sa Pampanga, nagkaroon ng unang engkwentro sa pagitan ng mga Pilipinong Gerilya at Japanese Imperial Army sa Brgy. Laniton, Basud, Camarines Norte Ang pinagsanib na pwersa ng mga gerilya at USAFFE Units sa ilalim ng pamumuno ng bayaning si Gat. Wenceslao Q. Vinzons ay buong tapang na nakipaglaban sa mga mananakop.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu