Mga kambing, hinigitan ang populasyon ng tao sa isang isla

Mahilig ka bang kumain ng kambing, tulad ng Kalderetang Kambing? Baka oras na para pumanta ng Italy!

Namo-mroblema ngayon ang siyudad ng Alicudi sa Aeolian archipelago ng Sicily sa Italy dahil sa isang krisis.

Ayon kasi kay City Mayor Riccardo Gullo, dumarami ang populasyon ng kanilang kambing, na mas marami pa sa mga tao sa buong siyudad.

Nasa 100 lang kasi ang tao sa buong isla habang nasa mahigit 600 na ang kambing na naitala sa Alicudi.

Dahil dito, inilunsad ni Gullo ang “adopt-a-goat program,” na nagbibigay ng offer na libreng kambing kung sino man ang makakahuli nito.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *