CAMARINES SUR- Taon na ang binibilang ng maraming mga healthcare workers sa bansa na naghihintay ng kanilang Health Emergency Allowance (HEA). Nitong nagdaang linggo, inanunsuo ng Department of Budget and Management na irerelease na ang pondo para sa unpaid arrears.
Ito ay bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mabayaran na ng buo ang lahat ng unpaid arrears para sa HEA. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Pili Municipal Health Office Dr. Rafael Salles, ikinatuwa nito ang anunsyo ng DBM bilang pagkilala sa mga nagsakripisyo ng nitong pandemya. Matagal na rin aniya hinihintay ng mga eligible o qualified ang update ng DOH ukol dito kaya sana ay matupad na.
Sa datus ng DOH-Bicol bago ang pahayag ng DBM umabot na sa P340 million ang nairelease na HEA noon para sa Camarines Sur.