CAMARINES SUR- Tumaas ang daily average rate ng bagong human immunodeficiency virus (HIV) cases sa bansa kumpara noong 2022 base sa pahayag Department of Health noong Nobyermbre 2023.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nasa 50 na ang bagong kaso araw-araw mas mataas sa 22 daily case rate noong 2022. Tuloy-tuloy ang mga programa ng mga health office sa bawat bayan upang maiwasan ito lalo na ng mag may karelasyon.
Ngayong pumasok na ang love month pinaalalahan ni Camaligan Municipal Health Officer Dr. Nonoy Severo, laging gumamit ng proteksyon upang maiwasan ang sexually transmitted diseases. Kapag ganito kase aniyang panahon lalo na sa Valentine’s Day marami ang pumupunta sa mga accommodations.