NAGA CITY – Nauwi sa pagkakatuklas sa isang drug den ang ginawang buy-bust operation ng pinag-isang puwersa ng pulisya at ng mga personahe ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Sabang sa Calabanga Camarines Sur noong nakaraang gabi.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng apat na suspek na ngayon ay nasa kalaboso na ng PDEA Regional Office. Nakuha sa mga ito ang shabu na mahigit 15 gramo at nagkakahalaga ng mahigit P100,000.00
Sa pakikipag-usap naman ng Brigada News FM Naga kay PDEA Provincial Head Officer Mark Anthony Viray, sinabi nitong nasa 35 barangay pa sa Calabanga sa kabuuang 48 ang may presensiya ng illegal drugs at ito pa ang kanilang ta-trabahuhin upang makaiwas ang mga residente sa masamang bisyo at iligal na trabaho.
Nilinaw ni Viray na ang hindi lang sila sa nakatutok sa mga bayan sa Camarines Sur kundi maging sa Naga City na isa sa nagiging bagsakan ng illegal drugs sa lalawigan.