Mga guro sa Olongapo na tinatamaan ng ubot-sipon, pinagpapahinga ng Deped

Pinagagana ng Department of Education ang mga substitute teachers sa Olongapo.

Ito ay kapalit ng mga guro na tinatamaan din ng ubo’t sipon gaya ng maraming estudyante sa lungsod.

Ayon kay Olongapo Schools Division Assist. Supt. Maylene Minimo, pinapagpapahinga ng opisina ang mga guro na may iniindang sintomas para maiwasang makapanghawa sa iba.

Inaalala ng SDO ang lalong paglala ng sakit ng guro na tiyak na makakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *