Mga baboy na nadepopulate dahil sa ASF sa Ragay, Camarines Sur umabot na sa mahigit 100- DA Bicol

NAGA CITY- Umabot na sa mahigit 100 ang mga baboy na naisailalim sa depopulation sa Ragay, Camarines Sur dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, Information Officer ng Department of Agriculture Bicol. Umabot na aniya sa apat na mga barangay ang apektado. Nakikiusap ito sa mga residente na huwag nang itago ang baboy dahil kung apektado ito ng ASF mamatay rin at posible pang makahawa.

Pinag-iingat ni Guarin ang mga karatig barangay upang hind na dumami ang mga apektadong lugar.

Pinayuhan din ang mga hog raisers na Camarines Sur at sa Bicol Region na mag-avail ng insurance. Magpatala sa Philippine Crop Insurance Corp. PCIC Swine industry insurance program ay kaagapay ng DA Bantay ASF sa Barangay (BABAY ASF) at Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) o hog repopulation program para makabangon ang industriya ng pagbababuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *