Meralco, tiniyak ang suplay ng kuryente sa May 9

Siniguro ng Meralco na hindi magkakaroon ng aberya pagdating sa suplay ng kuryente sa mismong araw ng halalan sa Mayo a-nueve.

Sa isang panayam, tiniyak ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz na mababa ang posibilidad na magkaroon ng brownout sa eleksyon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Pagtitiyak nito, kampante siya na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa botohan.

99.9% umano silang na walang sabit ang electricity supply – resulta ng mahigpit na preperasyon ng Election Task Force on Energy na binubuo ng Energy Department, Commission on Elections, at iba pang mga energy stakeholders.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Aniya, kung mayroon mang pagkakataon na magka-brownout, makasisiguro ang publiko na hindi naman mawawalan ng kuryente ang mismong mga polling precints, maging ang mga canvassing area.
#