Election hotspots, mas mababa ngayong 2022-DILG

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government na sa darating na halalan sa Mayo a-nueve, higit na mas mababa sa ngayon ang mga itinuturing na ‘election hotspots’ kumpara sa mga nagdaang eleksyon.

Ang mga hotspots, partikular ang mga nasa ‘red area’ category, ay ang mga lugar kung saan ay mayroon nang history ng election-related violence, presensya ng mga pribadong armadong grupo o mga rebelde, at iba pang mga na-monitor na kaguluhan o banta sa t’wing halalan.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Interior Spokesperson Jonathan Malaya na sa ngayon ay mayroong nasa 300 mga identified election hotspots – kabilang na ang 125 na mga itinuturing na ‘red areas’.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Mas mababa raw ito mula sa 946 na hotspots, at 546 na mga ‘red areas’ noong 2019 midterm elections.
#