Russian-Ukraine conflict effect sa PH, ‘minimal’ lang – BSP

Limitado lamang ang nakikitang epekto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Russia at ng Ukraine pagdating sa ekonomiya ng ating bansa.

Ito ay kasunod ng mga napipintong bagong opensiba ng Russia na maaaring ilunsad sa Ukraine.

Sa isang pahayag, minaliit lang ni BSP Governor Ben Diokno ang posibleng masasamang epekto ng Russian-Ukraine conflict sa Philippine economy at sa ating banking system dahil sa ilang mga kadahilanan.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Kabilang na rito ang geographical distance, o ang layo ng Pinas sa dalawang estadong ito.

Ikalawa, wala raw tayong direkta – ‘o ‘di kaya nama’y limitado lamang din ang economic at business link natin sa Russia o sa Ukraine.

At ikatlo naman ang matatag nitong macroeconomic fundamentals.

Pagdating naman sa banking system, dalawang bangko lamang sa bansa ang may direktang exposure sa Russia kabilang na ang VTB Bank Public Joint Stock Company at ang Russian Agricultural Bank.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Kung susumahin ay wala pa raw ito sa 1% ng kabuoang assets under management ng bansa.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang monitoring ng ating Central Bank sa ilan pang mga posibleng epekto ng tension sa pagitan ng Russia at Ukraine pagdating naman sa global prices partikular ang presyo ng krudo, na maaari namang makaapekto sa inflation.
#