Malacañang, nanindigang hindi ‘politically-motivated’ ang ginagawang pag-aresto kay Quiboloy

Nanindigan ang Malacañang na dapat manaig ang pagpapatupad ng batas hinggil sa pag aresto kay Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nilinaw nitong hindi ‘politically motivated’ ang hakbang ng PNP laban sa Pastor.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Anya, may pananagutan sa batas si Quiboloy kaya dapat nitong harapin ang kanyang mga kaso.

Sinabi pa ng Executive Secretary na mayrong proseso ang batas.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

‘No comment’ naman si Bersamin sa paghingi ng sorry ni VP Sara Duterte sa mga KOJC member na hinimok nyang iboto si Pangulong Bongbong Marcos noong nakalipas na eleksyon.