‘Heartbeat’ – na-detect sa bunker sa KOJC compound

Nagpapatuloy ang ginagawang paghahalughog ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.

Ayon kay Police Regional Office XI Spokesperson Maj. Catherine dela Rey, hinahanap nila ngayon ang entrance ng bunker sa compound matapos may ma-detect na ‘heartbeat’ ng ilang indibidwal ang ginamit na life detector.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate
Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Bukod kay Apollo Quiboloy, kabilang sa pinaghahanap ngayon ng pulisya ang apat pang kapwa akusado nito na pinaniniwalaang nasa KOJC compound din.