PCG, aminadong ‘di sapat ang puwersa sa gitna ng pinakabagong harassment ng China

Naniniwala si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na makatutulong sa kanila ang karagdagang barko upang mapagtibay ang pagbabantay sa mga ginagawang resupply mission West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos ang pinakabagong insidente ng pambabangga at pambobomba ng China Coast Guard (CCG) sa vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang papunta ito sa Escoda Shoal.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Batay sa mga ulat, ilang beses na binangga ang BRP Datu Sanday, at tinatayang 30 minutes din itong binomba ng tubig China.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Tarriela, binigyang-diin nito ang kakulangan sa mga vessels ng kanilang ahensya.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sinabi ni Tarriela na naramdaman nila ang increase sa budget ng kanilang ahensya kasunod ng mga nangyayaring insidente sa pinag-aagawang katubigan.

Kasabay ng nalalapit na pagsalang umano nila sa budget briefing, umaasa pa rin ang PCG na titiyakin ng Senado at Kamara ang pagbibigay ng sapat na pondo na makatutugon sa naturang mga kakulangan.