Maharlika Fund, posibleng matalakay ni PBBM sa 1st ASEAN GCC summit

Tutulak si Pangulong Bongbong Marcos sa Saudi Arabia sa darating na October 19, para dumalo sa kauna-unahang ASEAN- Gulf Cooperation Council o GCC summit.

Sa pre-departure briefing kaninang umaga ni Department of Foreign Affairs o DFA Asst. Secretary Daniel Espiritu, inilahad nito ang ilang nakalinyang schedule ng Pangulo.

Una sa magiging aktibidad nito ang pakikipag kita sa Filipino Community sa October 20.

Susundan ng business round table kasama ang Arab business at minister of investment ng Saudi Arabia

Pagkatapos ay ang pinaplantsang bilateral meeting sa Saudi Arabia at Bahrain na naka focus ang usapin sa diplomatic relation, kasabay ang pag presenta sa Maharlika fund.

Ilan pa sa tatalakayin ay ang proteksyon ng mga Pilipino abroad at ang proposal ng labor reform.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *