Presyo ng imported na bigas sa mga pamilihan, dapat mas lalo pang bumaba – SINAG

Iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na dapat bumaba na ang presyo ng imported na bigas sa mga pamilihan.

Ito’y kasunod ng pagbaba sa halaga ng bigas na binebenta ng Thailand at Vietnam sa Pilipinas.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Paliwanag ni So, dahil sa ipinatupad noon na price ceiling sa bigas ay napilitan ang ibang bansa na ibaba ang presyo ng kanilang bigas na iniluluwas sa bansa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Aniya, dapat daw na mas lalo pang bumaba pa ang presyo ng inaangkat na bigas sa harap ng inaasahang ani ng Thailand at Vietnam sa mga susunod na buwan.