Mag-asawang high-ranking officers ng CTG sa Eastern Visayas, arestado ng Philippine Army

Sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa section 4 ng RA 11479, Anti-Terrorism Act of 2020, at Arson, arestado ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa brgy. Guisad, Baguio City ang mag-asawang high-ranking Officers ng Communist Terrorist Group sa Eastern visayas.

Read More:  Ormoc City council reshuffles power as new committee chairs take control of key sectors

Kinilala ng Philippine Army ang mga akusadp na sina alias anjo/islao Na dating nagsilbi bilang secretary ng sub-regional Committee ng Emporium of the Eastern visayas regional party committee.

Arestado rin ang kaniyang asawa na si Alias Anya/Ninya na dati namang educational Officer at finance officer ng naturang komunistang teroristang grupo.

Read More:  Self-taught barista aids farmer’s group in Sipalay City

Ayon kay 8th Infantry Division Commander , General Camilo Ligayo, ang pagkakaaresto sa naturang mga suspek ay sumasalamin lamang sa commitment ng pamahalaan na panagutin sa batas ang mga indibidwal na sangkot sa mga seryosong krimen partikular na sa terorismo.