Inilabas ng Department of Education (DepEd) ang guidelines sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa Academic Year 2024-2025.
Sa ilalim ng Department Order 009 series of 2024, opisyal na magbubukas ang school year sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos sa Abril 15, 2025.
Mananatiling pangunahing learning delivery modality (LDM) ang in-person learning, na mahalagang papel sa pagpapagana ng malalim at real-time na pakikipag-ugnayan ng guro at mag-aaral.
Itinakda rin ng DepEd ang Brigada Eskwela, o ang taunang aktibidad sa pagpapanatili ng paaralan, sa Hulyo 22 hanggang 27, 2024, habang ang magsasagawa naman ang ahensya ng Oplan Balik Eskwela sa Hulyo 22 hanggang Agosto 2, 2024.
Upang masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral, ang mga paaralan ay inutusan na regular na magsagawa ng formative at summative assessments batay sa mga petsang ibinigay sa department order.