Government use ng bakuna kontra ASF, posibleng mai-roll out na sa September

Nagbigay na ng go signal ang Food and Drug Administration o FDA para sa government use ng bakuna kontra African Swine Fever o ASF.

Ito ang inanunsyo ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pre-SONA briefing.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon kay Laurel, asahang mai-ro-roll out nila ang bakuna sa buwan ng Setyembre.

Prayoridad nilang mabigyan nito ang mga mahihirap na nagba-backyard farming lalo na sa red zone o mga nasa highly infected area.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Isasailalim naman sa 6 na buwan na monitoring ang bakuna at kapag maganda ang resulta, posibleng payagan na ito sa commercial use.