LTO, magpapatulong na sa PNP para hulihin ang mga fixers

Humihingi na ng tulong ang Land Transportation Office (LTO) sa Philippine National Police (PNP) para mahuli ang mga fixers, kabilang na ang mga gumagamit ng social media para sa kanilang ilegal na gawain.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, ang naturang plano ay naaayon sa deployment ng umano’y mga β€œmystery applicants” at isa sa mga estratehiya upang malaman ang tunay na nangyayari sa mga district offices.

Sinabi rin nito na interesado siyang siguruhin na ang serbisyo sa mga opisina ng LTO sa kada-distrito ay mahusay, napapanahon, at may integridad at pagiging magalang sa mga kliyente.

Naniniwala si Mendoza na dahil sa pinagsamang operasyon ng PNP at LTO, magdadalawang isip na ang mga fixers na gawin pa ang kanilang mga masamang binabalak.

Sa huli, binigyang-diin ni Mendoza na ang sustained operations laban sa mga fixers, maging ang mas pinabuting serbisyo ay bahagi ng formula para mahuli at maalis ang mga ito sa kanilang illegal business.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *