𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗗𝗜𝗟𝗟𝗘𝗥𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗔

Ipinatigil na ng pamilya ng 41-anyos na babaeng nasawi matapos ang pananalasa ng bagyong Egay ang retrival operation sa mga parte ng katawan nito sa  Sitio Nangamlay Poblacion, Kibungan.

Una rito, dahil sa lakas na buhos ng ulan noong kasagsagan ng bayong Egay ay natabunan ang biktima ng lupa habang naglilinis sa kanilang piggery.

Matapos nito, una nang natagpuan ang ilang bahagi ng katawan ng biktima sa lugar kung saan kinumpirmang isa siya sa mga naitalang fatality sa Cordillera Administrative Region.

Kinumpirma naman ni Mayor Cesar Molitas na desisyon ng pamilya ng biktima ang pagpapatigil sa paghahanp dahil nailibing nila ang mga unang narekober na parte ng katawan nito.

Samantala, batay sa pinakahuling ulat ng DOH- Cordillera ay mayroong 14 na nasawi bunsod ng bagyong Egay habang walong iba pa ang nawawala.

Ang naitalang mga fatalities ay mula sa Abra, Apayao, Baguio City, Mountain Province at Benguet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *