Libo-libong pasahero sa Batangas Port, nagtiyagang pumila nitong weekend

Nagtiyaga sa mahabang pila ang maraming pasahero sa Batangas Port, mnakauwi lang sa kani-kanilang probinsya para makaboto at makadalaw sa mga namayapang mahal nila sa buhay ngayonmg Undas,

Simula kasi noong Sabado ng gabi hanggang kahapon ng gabi, pinaka-dinagsa ng mga biyahero ang Batangas Port.

Sa ilang mga pasaherong nakapanayam ng Brigada Batangas, nasa anim hanggang pitong oras daw silang nakapila bago makasakay ng barko.

Nasa labas pa lang kasi ng pantalan, kailangan nang pumila at pagdating sa ticketing booth, kailangang pumila ulit.

Ayon sa pamunuan ng pantalan, inasahan na raw talaga nila ang dami ng pasahero nitong weekend.

Reklamo naman ng ilang pasahero ang usad pagong at hindi gaanong kaorganisadong pila papasok ng pantalan.

May nakatalaga raw kasing waiting area para sa lahat na papasok ng Batangas Port.

Pero nagtataka ang ilang pasahero kung bakit may ilan silang kapwa pasahero na hindi na pinatitigil sa waiting area at diretso na papasok sa loob ng pantalan.

Dahil naman sa sobrang dami ng tao, may ilan na sa kanila ang nahilo dahil sa init ng panahon at dahil sa gutom.

Karamihan sa mga nahilo ay pawang mga matatanda. May ilang ring nawalan ng malay.

Sa datos ng Philippine Coast Guard-Batangas, nasa mahigit apatnapu’t pitong libong pasahero ang dumagsa sa Batangas Port simula pa noong Biyernes.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay walang naitatalang kahit anong untoward incident ang Coast Guard sa naturang pantalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *