Libo-libong Cubans nagkilos-protesta para patalsikin ang kanilang Pangulo

Sumugod sa mga lansangan ang libo-libong Cubans para iprotesta at hilingin ang pagbaba sa puwesto ng kanilang pangulo dahil sa kakulangan ng pagkain at gamot sa kanilang bansa bunsod ng COVID-19 pandemic at US sanctions.

Isinisigaw ng mga protesters ang pagbabalik ng “freedom” sa kabilang bansa at ang pagbaba sa puwesto ni President Miguel Diaz-Canel.

Dahil dito ay maraming protesters ang inaresto ng mga pulis na gumamit pa ng tear gas para mabuwag ang mga demonstrasyon.

Sa kanya namang national televised address, sinabi ni President Canel na ang economic misery sa kanilang bansa ay dahil sa US trade sanctions.

Hindi naman nag-alok ng anumang kasunduan si Canel sa kanyang mga protesters sa halip ay inudyukan ang kanyang mga supporters na harapin ang mga ito.

Samantala, napag-alamang restricted ngayon ang social media platforms sa Cuba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *