Inirekomenda ng leading expert sa infectious diseases na maalis na ang COVID-19 restrictions sa Wales.
Sinabi ni UK government advisor Prof. John Watkins na ito ay kasunod ng matagumpay na vaccination at immunity levels.
Ayon kay Watkins, nabasag na ang link ng hospitalization at death matapos bumaba ang bilang ng mga kaso.
Inaasahang iaanunsyo ng Welsh Ministers ang pagbabago sa COVID-19 rules sa Wales sa kanilang susunod na review sa Miyerkules.
Sa kabila nito, inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng face masks ng mga tao sa Wales.
Una nang inihayag ni Prime Minister Boris Johnson na lahat ng legal COVID-19 restrictions ay magtatapos na sa England sa July 19 na nangangahulugan din na ang mga restrictions sa mga border ay hindi na iri-require.