Lapid, naghain na panukala na mag-iinstitutionalize sa drug overdose reporting system

Naghain si Senator Manuel “Lito” Lapid ng panukala, na mag-iinstitutionalize sa system para sa reporting ng mga taong namatay dahil sa drug overdose.

Sa kanyang Senate Bill No. 1498, binigyang diin nis Lapid ang kahalagahan ng pangangalap ng impormasyon kaugnay sa drug overdose trends para epektibong matutugunan ang isyu ng drug overdose.

Ayon kay Lapid, na ang drug overdose, accidental o intentional man ay maaring mapigilan, at maiiwasan din umano ang unintended side effects o life-threatening symptoms consequences nito.

Sa ilalim ng panukala, ang kalihim ng Department of Health (DOH) ang aatasan na maglathala ng bi-annual findings kaugnay sa nationwide drug overdose trends, na magrereview sa overdose death rates at iba pang impormasyon, para masuri ang mga pagbabago sa mag dahilan at rates ng nakamamatay na drug overdoses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *