House, aprubado na ang panukala na mag-aamyenda sa Kasambahay Law

Aprubado ng Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na mag-aamyenda sa Republic Act 10361 o ang Domestic Workers Act, na magtatatag ng mas malaking responsibilidad at pananagutan ng mga private employment agencies (PEAs) na naghire at nagdeploy sa mga domestic workers.

Ang House Bill 4477 ay naipasa sa 246 affirmative votes.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa ilalim nito, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tiyakin ang preoteksyon ng parehong domestic workers na nahire sa pamamagitan ng PEAs at ang kanilang employers ay sa pamamagitan ng system ng licensing and regulation.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kaugnay nito, kailangan na magsagawa ang PEAs ng diligent background check at actual verification sa identity, personal circumstances at family background ng mga domestic helper.

May pananagutan rin umano ang mga ito sa anumang criminal act na nagawa ng domestic helper laban sa kanilang employer.