Lalaking nagpapanggap na palaboy para makapagnakaw, arestado sa QC

Naaresto sa Cubao, Quezon City ang isang lalaki na nagpapanggap na palaboy para makapagnakaw.

Ito ay matapos siyang ireklamo ng pamilyang kumupkop sa kanya nang sila ay pagnakawan nito noong Abril.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Tinangay nito ang mga cellphone, laptops, power tools at pera na aabot sa P150,000.

Ayon sa pulisya, modus ng suspek ang magpanggap na walang tirahan at magpiprisintang mamamasukan sa bahay na kaniyang tatargetin.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.

Paalala naman ng kapulisan sa publiko na maging maingat sa mga taong patitirahin sa bahay at alaming mabuti ang pagkakakilanlan nito.