DOH, gagastos ng P150 million sa susunod na taon para tugunan ang mpox outbreak sa bansa

Maglalaan ang Department of Health ng 150 million pesos mula sa panukalang budget nito sa 2025 para tugunan ang oubtreak ng MPox sa bansa.

Sa briefing ng DOH para sa proposed 2025 budget nito na mahigit 304 billion pesos, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ang naturang pondo ay para sa unang tatlong buwan pa lamang.

Nakikipagnegosasyon na aniya ang ahensya sa ASEAN countries para sa anti-viral treatments at bakuna kontra MPox.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Kinumpirma rin ni Herbosa na tulouy-tuloy ang ugnayan sa World Health Organization upang palakasin ang testing capacities ng bansa.

Ang Food and Drug Administration naman ay may koordinasyon para sa compassionate special permit ng anti-virals at probationary certificate of product registration at monitored release sa mga bakuna.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Dagdag pa ng kalihim, sa mga susunod na araw ay magkakasa ang DOH ng community dialogues upang ipabatid sa publiko ang mga impormasyon hinggil sa MPox at magkakaroon din ng engagement sa influencers.

Walong bagong kaso ng MPox ang naitala ng DOH kung saan anim mula sa Metro Manila at dalawa sa CALABARZON kaya umabot na sa labimpito ang kabuuang bilang simula taong 2022.
#