Kawalan ng sapat na parking area sa Barangay Talisay, dahilan ng pagsikip ng kalsada

Kawalan ng sapat na espasyo para sa parking, ito ang nakikitang pangunahing dahilan ng pagsikip ng kalsada sa Barangay Talisay sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News kay Brgy Kagawad Tat Duana, sinabi nito na kaya marami ang road obstruction ay dahil sa kawalan ng parking space bukod pa sa mga nagdodouble parking at mga tindahan na nakapuwesto na rin sa mismong gilid ng kalsada.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon sa opisyal, bagama’t kanilang sinisikap na maayos ang nasabing problema lalo pa at mandato ng Department of Interior and Local Government na linisin at maging maluwag ang mga kalsada ay wala naman umano silang magagawa dahil talagang wala silang espasyong magagamit para sa parking.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Gayunpaman, patuloy nila itong hinahanapan ng solusyon kung saan nagsasagawa sila ng mga pagpupulong upang talakayin ang nasabing problema at magawan ng paraan.