Mag-asawa patay sa pamamaril sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay sa pamamaril ang mag-asawa sa Bato Camarines Sur, naaresto naman ng pulisya ang responsible sa krimen.

Napag alaman kay PCapt. Junie Cris Curba ang Chief of Police ng Bato Municipal Police Station, 12:50  madaling araw nitong Hunyo 20, 2023 nang mangyari ang insidente sa Barangay pagatpatan, kung saan habang nakikipag-inuman ang suspek na kinilalang si Juan Bon, kasama ang mga kaibigan nito ay pinagtripan umano nito ang alagang aso ng biktima at panganay nitong kapatid na si Nicasio Bon kung saan hinampas umano at sinaksak pa ng suspek ang aso.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dahil dito kinompronta ng biktima ang suspek kung kaya isang mainit na sagutan ang naganap.

Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang pinaputukan ng suspek ang kapatid nito gamit ang dalang sumpak na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sinubukan pang awatin ang suspek ng asawa ng biktima na kinilalang si Jeniffer Bon, subalit hinabol pa ito at nang maabutan ay doon na pinaghahampas ang ulo ng maka-ilang ulit gamit ang dalang sumpak na naging dahilan nang pagkamatay nito.

Ayon pa sa PNP ang insidente ay maaaring na-trigger ang sigalot o away nila sa lupa.

Double murder ang kahaharaping kaso ng suspek.