NAPATUNAYANG guilty ng korte ang anak ni U.S Pres. Joe Biden na si Hunter Biden hinggil sa kasong federal tax at firearm case.
Umaming guilty sa isinampang kaso ng korte ang naturang akusado kung saan ayon kay US Attorney David Weiss ng US District Court sa Delaware ay detalyado ang mga kasong isinampa kay Hunter Biden.
Dahil dito nagkaroon ng agam-agam na konektado ang naturang isyu sa 2024 presidential election sa Amerika.
Samantala, sinabi naman ng abogado ni Hunter Biden sa isang pahayag na aakuin nito ang resposibilidad sa isinampang kaso laban sa kanya.
Sa isang maikling pahayag, sinabi naman ng tagapagsalita ng White House na sinusuportahan pa rin ng Pangulo at ng kanyang First Lady ang kinahaharap na isyu ng kanilang anak, at hindi na sila magbibigay pa ng anumang komento hinggil dito.### HARLIN LUMIBAO, Intern