Itinuturing na top 2 leader ng Eastern Visayas Regional Party Committee, arestado

Arestado sa joint inter-agency operation sa Cebu ang itinuturing na top 2 leader ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Ayon kay 8th Infantry Division Public Affairs Office Chief, CPT Jefferson Mariano, naaresto si Romulo Micabalo alias Ned/Lukad sa joint inter-agency operation ng Philippine Army at PNP sa Barangay Pitogo, Consolacion, Cebu.

Si Micabalo ay may standing warrant of arrest para sa 2 counts ng kidnapping with serious illegal detention at robbery with violence against or intimidation of person na inisyu ni Judge Fernando Fudulan Jr. ng Branch 07 ng Regional Trial Court sa Bayugan City, Agusan Del Sur.

Ayon sa militar, ang suspek ay nasa likod ng panununog ng contsruction equipment sa Las Navas, Northern Samar na tinatayang nagkakahalaga ng P32 Million noong July 2021.

Sangkot din ito sa pag-ambush at pagpatay sa isang sundalo at tatlong iba pa sa Eastern Samar.

Sa pagkakahuli kay Micabalo, umaasa ang militar na susuko o magbabalik loob na sa pamahalaan ang iba pang kasamahan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *