Economic loss dahil sa traffic – posibleng pumalo sa mahigit 9 billion sa taong 2027

Patuloy ang pagdami ng mga sasakyan sa Kamaynilaan.

Sa ginanap na traffic summit kaninang umaga, iniulat ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na lumubo na sa 3.6 million ang mga sasakyan sa Metro Manila nitong 2023, kumpara sa 3.2 million noong taong 2021.

Sa tala anya ng Land Transportation Office o LTO, nasa 32 thousand na mga bagong sasakyan ang narerehistro sa Kamaynilaan kada buwan.

Kaya naman sa pag-aaral na isinagawa ng JICA, ang economic cost ng traffic kada araw ay umaabot na sa 4.9 billion noong 2020, at kung hindi maaayos ang trapiko at walang gagawin ang pamahalaan tungkol dito, posibleng umabot sa 9.4 billion ang economic cost ng traffic pagsapit ng taong 2027.

Binigyang diin ni Artes na ang permanenteng solusyon sa lumalalang traffic ay ang pagpapabuti sa imprastraktura, tulad ng kalsada, tulay at efficient na mass transportation.

Gayundin ang decongestion ng National Capital Region, at epektibong polisiya sa trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *