Emergency procurement ng pertussis vaccine, tinitingnan na ng DOH

Huwag maalarma at manatiling alerto.

Ito ang binigyang-diin ni Department of Health Asec. Albert Domingo sa publiko kasabay ng tumataas na kaso ng pertussis sa Pilipinas.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Domingo, sinabi nitong hindi dapat maalarma sa sakit lalo pa’t may bakuna laban dito.

Sa harap ng tumataas na bilang ng pertussis cases, muling sinabi ng ahensya na paubos na rin ang 64,400 doses ng bakuna para dito.

Dahil dito, maaari rin daw mag-emergency procurement ang DOH.

Sa huli, sinabi ng opisyal na sakali man daw mangailangan pa ng bakuna – may bakunang pwedeng makuha sa private sectors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *