Magpapatupad ang Indonesia ng emergency coronavirus restrictions ngayong linggo sa gitna ng nakakalarmang surge ng infections.
Inihayag ito ni President Joko Widodo matapos ma-overwhelm ang healthcare system ng Indonesia.
Sinabi ni Widodo na tatagal ang mga bagong restriksyon ng mahigit dalawang linggo sa Jakarta, na kabisera ng bansa, sa Java, at sa Bali.
Noong Huwebes, ay umabot ang bagong bilang ng infections sa Indonesia sa 25,000, na panibagong record para sa naturang bansa, na pinakamatinding tinamaan ng pandemya.

Kabilang sa mga restriksyon na tatakbo hanggang July 20 ay ang pagre-require sa lahat ng non-essential employees na mag-work from home, at ang pagsasagawa ng mga klase online.
Ipasasara rin ang lahat ng shopping malls at mosques sa pag-asa nito na mapababa sa 10,000 ang daily cases.
Papayagan naman ang lahat ng public transit at domestic travel para sa mga tao na nakatanggap na ng kahit isang dose ng bakuna at wedding receptions na may limitadong bilang ng mga bisita.