Nagsalita na ang aktres na si Katrina Halili tungkol sa ilang litrato nito kung saan ay makikita na kasama niya si John Lloyd Cruz at ang lalaking anak nito na si Elias.
Ibinahagi ni Katrina ang mga nasabing larawan niya na kasama ang mag-ama at ang isa pa indibidwal.
Mababasa sa caption ng posts ni Katrina ang kaniyang belated happy birthday greeting kay John Lloyd.

Ipinunto ni Katrina na present siya sa birthday celebration dahil meron silang mutual friend ni John Lloyd.
Dagdag ni Katrina, pinost niya ang larawan nila ni John Lloyd dahil birthday naman nito habang nakyu-kyutan siya kay Elias.
Iginiit ni Katrina na wala naman isyu ang namamagitan sa kanilang dalawa ni John Lloyd.
Samantala, kung mabibigyan naman si Katrina ng pagkakataon ay nais niyang makatrabaho ang aktor, na kababalik lamang sa showbiz.
Matatandaan na una nang napaulat na naispotan sina John Lloyd at Katrina na nagsi-swimming ng magkasama sa El Nido, Palawan noong Abril.