Illegal quarry, inaalmahan ng mga legal quarry permittee sa Palawan

Umaalma na ang ilang legal quarry permittee sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan dahil sa illegal quarry operation sa munisipyo.

Kahapon ay tinungo ng mga tauhan ng Municipal Environment & Natural Resources Office (MENRO) ang bahagi ng ilog sa Barangay Samariñana kung saan bakas doon ang isinagawang pagha-hauling kung saan, wala itong kaukulang dokumento.

Ayon sa MENRO, marami na umanong mga nagrereklamo sa kanilang tanggapan na mga legal quarry permittee dahil wala na silang kinikita.

Dagdag pa dito, maliban sa ilog ng Samariñana ay mayroon din sa Barangay Amas at Barangay Tub-Tub.

Samantala, sinisikap naman ng opisina na pigilan ang mga ito alinsunod sa mga ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *