Babae na naniningil ng utang, pinatay at inilagay sa icebox

Patay ang isang 25-anyos na babae na maniningil lamang sana ng utang matapos patayin at ilagay sa icebox ang kanyang katawan sa Trece Martires City, Cavite kahapon.

Ayon sa Trece Martires Component City Police Station, nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng 35-anyos na suspek sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City.

Pinuntahan at sinisingil ng biktima ang suspek sa matagal na umanong utang nito na nagkakahalaga ng 50 libong piso.

‘Nagpapautang po kasi yung biktima sa 5-6, may utang po ng halagang 50 thousand. Sabi ng asawa , tumawag sa kanya ang (suspek) na aksidenteng napatay niya ang biktima.’ ayon sa imbestigador ng kaso.

Dahil daw sa stress ng suspek matapos magkasabay-sabay ang problema, napatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal ng nylon.

Matapos mapatay ay inilagay ang katawan nito sa ice box.

‘Sinakal ng tali ng nylon, tapos biglang namatay yung victim, tinago sa icebox.’ dagdag pa nito.

Matapos ang insidente, tumawag ang suspek sa kanyang asawa at inamin ang nagawang krimen saka tumakas.

Dito na nagawang magsumbong ng asawa sa mga pulis.

Nagapapatuloy ang manhunt operation ng pulisya sa suspek. Inihahanda na rin ang kasong murder laban sa kanya.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *