Ilang landslides at pagbaha, naitala sa Aklan

Isinailalim sa Yellow Rainfall Warning at nailista ang minimal na landslide, pagbaha at kanselasyon ng klase ang lalawigan ng Aklan dahil sa Bagyong Kristine.

Base sa datos ng PDRRMC, may ilang mga puno ng kahoy ang natumba at pagbaha sa ilang mga lugar sa District II ng Aklan malapit sa isla ng Boracay.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kinansela rin ang ilang mga klase sa pre-school at Senior High School sa District 1 partikular sa municipalidad ng Batan at New Washington.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang monitoring ng PDRRMO Aklan sa buong probinsya matapos magpalabas ng Heavy Rainfall Warning No.3 ang PAGASA Visayas. (WITH REPORTS FROM MARIVIC ILIN – 89.3 BNFM KALIBO)