Itinutulak ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pagkakaroon ng reporma sa Pambansang Pulisya.
Sa press briefing sa Malacañang, iniulat ni Remulla na inirekomenda nya kay Pangulong Bongbong Marcos ang plano nitong bawasan ang bilang ng mga police generals.
Anya, nasa mahigit 130 ang kasalukuyang bilang ng may ranggong Generals sa PNP at nais nitong ibaba sa 25.
Rason ng Kalihim, “top-heavy” ang structure ng PNP sa ngayon o maraming Generals na wala namang hinahawakang tao at redundant ang hinahawakang pwesto kaya kailangang bawasan.
Hahayaan naman daw na makapag retiro pa rin ang mga police generals.
Paglilinaw pa nito, nasa 32 taon na ang PNP law kaya kailangan nang rebisahin.
Hindi naman pinangangambahan ng opisyal na magdulot ito ng demoralization sa hanay ng Pulisya, dahil naniniwala syang propesyunal ang mga ito at susunod sa kung ano ang order.