House leaders, tiniyak na igagalang sina Congressman Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio sakaling dumalo sa quad-committee hearing

Nanawagan ang mga leader sa Kamara kay Vice President Sara Duterte na kumbinsihin ang kapatid na si Davao City Representative Paolo Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio na humarap sa pagdinig ng Quad Committee upang ilahad ang katotohanan.

Kasunod ito ng isiniwalat ng dating Customs Intelligence Officer na si Jimmy Guban hinggil sa umano’y koneksyon nina Duterte at Carpio sa ilegal na droga.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ayon kay House Deputy Majority Leader Jude Acidre, sa halip na maglabas ng mga pahayag na naglilihis sa mga isyu ay mas makabubuting tumulong na lamang ito na mahikayat ang mga kaanak na dumalo sa imbestigasyon.

Iginiit ni Acidre na para ito sa kapakanan ng kanyang pamilya at ng mgha Pilipino.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Tiniyak din nito sa pangalawang pangulo na igagalang ng Kamara ang katayuan nina Duterte at Carpio lalo’t wala umanong bahid ng pulitika ang pagdinig.

Dagdag pa ng kongresista, kung walang itinatago ang dalawang personalidad ay wala silang dapat ikatakot kaya mas magandang sagutin na lang ang mabibigat na alegasyon ni Guban.