Tiniyak ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na iimbestigahan nila sa kanyang komite ang lahat ng anggulo ng testimonya ni dating custom intelligence officer Jimmy Guban.
Kasunod ito sa ikinanta ni Guban sa pagdinig ng quadcomm ng Kamara na sangkot sa naging smuggling ng labing-isang milyong halaga ng shabu sa hidden magnetic lifters noong 2018 sina Davao City, Rep. Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio at si Michael Yang na dating economic adviser ng nakaraang administrasyon.
Paniwala ni Dela Rosa, tila isa lang umano itong bagong script na mahirap paniwalaan dahil kung tutuusin ay walang kredibilidad si Guban bilang convicted ito.
Ayon pa sa senador, kahit nakapikit siya ay mahahalata niyang prepared at scripted lang ang mga pahayag nito.
Kaugnay nito, maghahain umano siya ng resolusyong naglalayong imbestigahan ito sa ilalim ng kanyang komite.