Abugado ng law firm na pinag-notaryohan ni Guo nitong nakaraang linggo, nakatakdang ipatawag sa Senado

‘Pinaglalaruan at iniinsulto’

ganyan kung ilarawan ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian ang ginagawang pambabastos ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa institusyon ng Senado.

Kasunod ito sa naging manifestation ni Senadora Risa Hontiveros na nagsasabing wala na sa bansa si Guo dahil nakalabas na ito papunta sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong July 18 pa.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Bagamat ito ang naging ulat ni Hontiveros ay ibinahagi ni Gatchalian na may natanggap siyang detalye na personal pang nagpa-notaryo ang dating alkalde sa San Jose Del Monte ng kanyang motion to reopen and admit attach counteraffidavit nitong nakaraang linggo lang.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kasunod nito, nakatakdang ipatawag sa susunod na pagdinig ng komite ni Hontiveros si Atty. Elmer Galicia na siyang abogado ng notary office na di umano’y pinuntahan ni Guo.

Anya, sa pamamagitan nito ay malalaman nila ang katotohanan kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.