Higit kalahating milyong mga botante, na-reactivate na ng COMELEC

Higit kalahating milyong aplikasyon na ang naiproseso ng Commission on Elections (COMELEC) para sa voter reactivation.

Sa pinakahuling datos, nakatanggap na ang poll body ng higit 550,000 na mga aplikasyon para sa pagre-reactivate mula noong February 12 hanggang September 11.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mula sa bilang, 342,991 aplikante ang humihiling ng reactivation ng kanilang voter registration; at 102,181 applicants ang target mag-transfer ng reactivation at may correction sa mga entries.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ang naturang dami ng reactivation applications ay 10% lamang ng bilang ng mga deactivated voter registration records.

Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, 5,376,630 mga botante ang na-deactivate.